Ang sabi ng ating pambansang bayani
na si Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ang
pag-asa ng bayan” kaya’t responsibilidad ng ating bansa at lahat ng
mamamayan na kayo ay pangalagaan at protektahan. Bilang isang mahalagang bahagi
ng iyong komunidad, ating pag-usapan ngayon ang mga bagay na nararapat para sa
iyo at sa lahat ng batang tulad mo.
Bawat bata sa ating mundo ay may pangalan, may karapatan. Iyan ay isang linya mula sa sikat na awitin ng Apo Hiking Society.
Pamilyar ka ba sa salitang karapatan? Alam mo ba ang mga bagay o
pangangailangan na dapat mong makamtan bilang isang bata? Halika’t isa isahin
natin ang iyong mga karapatan.
Karapatang Isilang
Ang bawat bata ay may
karapatang maipanganak, mabigyan ng pangalan, mabuhay, at matamasa ang
pagkamamamayan ng bansa. Kaya’t nasa tiyan ka pa lamang ng iyong ina ay
inaalagaan kana para masigurong ikaw ay lumalaking malusog.
Karapatang Magkaroon ng Pamilyang Magmamahal at Mag-aaruga
Mahalaga ang pamilya sa
paglaki ng isang batang tulad mo dahil ito ang unang nabibigay ng pagmamahal at
pag-aalaga. Naipapakita ito ng iyong mga magulang sa pamamagitan ng
pag-aasikaso at pagbibigay ng iyong mga pangangailangan. Para sa mga batang
naulila o wala ng magulang ay kinukupkop sila ng Department of Social Welfare
and Development (DSWD) para masiguro na hindi sila mapapabayan at lumaki sila
ng maayos.
3 Karapatang Maging Malusog
at Malakas
Ang magulang ang nagbibigay
ng pagkakataong lumaking malusog at malakas ang isang bata. Mula sa sinapupunan
ng iyong nanay ay inaalagaan ka na para ikaw ay maging malusog. Hanggang sa
iyong paglaki ay binibigay ng iyong mga magulang ang lahat tulad ng
masustansiyang pagkain, malinis na damit at maayos na kapaligiran upang ikaw ay
lumaking malusog at malakas.
Karapatang Maglaro at
Maglibang
Guso mo ba ang mag-laro? Ano
ang mga paborito mong libangan? Ang mga simpleng bagay na ito ay nakakatulong
din sa iyong paglaki. Sa paglalaro ay nagiging masaya ka, natututo ka ng mga
mabubuting asal tulad ng pakikisama, disiplina at sportsmanship.
Karapatang Makapag-aral
Ang unang nagtuturo sa iyo
ay ang iyong mga magulang at kapag ikaw ay nasa tamang edad na, kinakailangan
mo ng pumasok sa isang paaralan para higit pang lumawak ang iyong kaalaman at
karanasan. Sa paaralan din natutunan mo ang paggawa ng mga bagay sa iyong
sarili at ang pagiging mabuting mamamayan pagdating ng panahon.
Karapatang Malinang ang
Taglay na Kakayahan
Mahilig
ka bang umawit, umayaw, o kaya naman ay gumuhit? Ano ang iyong talento? Ang
talino at kakayahang mayroon ang isang bata ay bigay ng Diyos. Saang larangan
ka man magaling, ikaw ay dapat mabigyan ng pagkakataon na malinang at
mapaghusay pang lalo ang iyong mga kakayahan.
Karapatang Mamuhay nang
Payapa at Ligtas
Sa
tahanan pa lamang ay dapat na maranasan at maramdaman ng isang bata ang
kapayapaan. Kailangang mailayo ang bata sa anumang pang-aabuso, pagmamalupit at
krimen. Katuwang ng mga magulang na masiguro na ikaw ay lalaki sa payapa at
ligtas na lugar ang simbahan at ang buong komunidad.
Karapatang Maging Malaya
sa Pananampalataya.
Bilang
isang bata, ang mga itinuturo ng nakagisnan mong paniniwala ang iyong sinusunod
na paniwalaan. Makakapili ka lamang ng gusto mong paniwalaan kapag lumaki at
nagkaisp ka na. Malaya kang makapipili ng iyong pananampalataya.
Ang Kabataan Ngayon
Bagama’t may batas na nag-saad at nagbibigay proteksiyon sa lahat ng kabataang Pilipino, hindi pa rin natin maikakaila ang malungkot na katotohan na marami pa ring mga bata ang nakararanas ng karahasan, kapabayaan at kahirapan.
Ang hamon ngayon sa mga taong nakakaalam ng mga batas
na ito na ibahagi ang mga ito sa iba upang magising din ang kanilang kamalayan
sa pangangalaga sa mga bata. Kung may nakikita kang hindi tama dapat ipagbigay
ito sa kinauukulan upang mabigyan ng tamang aksyon.
Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2 ni EmilyV. Marasigan
It was indeed informative! Thank you for the useful and new insights. Good job ����������
TumugonBurahinGood Job Ms. Camille! Looking forward for your next blog! :)
TumugonBurahinspread this article! it's a mind opener for all.. as a teacher, we are the managers of the worlds' GREATEST RESOURCES, children!
TumugonBurahinNapakaganda po ng inyong "blog," Bb. Ramirez! Ipapabasa ko rin po ito sa aking mga kaibigan upang mas maintindihan pa po nila ang mga karapatan ng bawat mamamayan at kung kamusta na nga ba sila ngayon.
TumugonBurahinThe article above showed how passionate the writer, Ms. Jane Ramirez to let the people know how children must be treated. This article is an eye opener. Please find time to read it and let your heart be touched and moved. This is worth sharing and reading. Good job! ����
TumugonBurahinYour blog is very informative and interesting! It filled my mind with new knowledge��
TumugonBurahinYou did it well Jane!��
Your blog is very informative and interesting! It filled my mind with new knowledge��
TumugonBurahinYou did it well Jane!��
What a great article, Ms.Jane!
TumugonBurahinThis is really comprehensive and helpful.